INIHAYAG ng grupong Karapatan na sakop ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ng Government of the Philippines at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) si Roy Erecre, ang NDFP consultant for Visayas, na inaresto nitong Mayo 7, 2014.
Ayon kay Marinet Pacaldo ng Research and Documentation ng Karapatan-Bohol, inihayag ni Luis Jalandoni, Chairperson ng NDFP Negotiating Panel, si Mr. Erecre ay may hawak na NDFP Document of Identification No. ND978243 sa ilalim ng assumed name na Vide Alguna.
Inisyuhan din siya ng Letter of Acknowledgment bilang NDFP Consultant for the Visayas noong Abril 20, 2001 ni dating GRP Negotiating Panel Chairman Silvestre H. Bello III.
Nakasaad sa Letter of Acknowledgment: “The above named person is entitled to the safety and immunity guarantees (JASIG) for the duration of the peace negotiations. You are hereby required to facilitate the safe conduct and free passage of the above named person.”
Si Mr. Erecre ay kasalukuyang nakapiit sa Bohol District Jail sa Cabawan Distric, Tagbilaran City.
Kaugnay nito, inihayag ni Erecre, makaraan na siya ay dukutin ng militar sa kanyang hometown siya ay naging “incommunicado” dahil sa pagpapalipat-lipat sa kanya sa mga piitan hanggang ikulong siya sa Bohol.
Aniya, pinagkaitan siya ng kanyang karapatan na magkaroon ng abogado, at habang siya ay isinasailalim sa interogasyon, siya ay binantaan at sinaktan.
Ginawan din aniya siya ng mga kaso at pinalabas na guilty sa pamamagitan ng ‘trial by publicity.’
“I didn’t know then that having medical treatment with one’s family physician translates to “island-resort hopping” of sorts in military mind, and that either constitutes a crime. I and my aide were just surprised that morning of May 7, 2014, when intelligence operatives pounced on us while on our way for my follow-up check up for diabetes.
During my arrest, I was robbed of my personal belongings. Until now, my phone, journal, and flash drives haven’t been returned, pahayag ni Erecre.”
Aniya, nangyari ito dahil sa kanyang pagiging consultant sa peace panel ng (NDF) sa peace negotiations sa gobyerno. Ito aniya ang kanyang naging papel nang buksan ni dating Pangulong Cory Aquino ang peace negotiations makaraan ang EDSA Revolt.
“Then and now, the dup-licity of this government at feigning negotiations in order to gather intelligence information against its perceived enemies has reached scandalous heights.
Instead of respecting the agreements it signed with the NDF, this government is instead preoccupied in emasculating each one, especially the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) and the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG),” dagdag ni Erecre.
(HNT)