Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vietnamese civilians kumasa vs China (Pinoys inawat ng Palasyo)

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na huwag maglunsad ng anti-Chinese riots gaya nang nagaganap sa Vietnam bunsod ng alitan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Hinimok kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang taong bayan na sumunod sa batas at tiniyak na may ganap na kahandaan ang pambansang pulisya para harapin ang ano mang sitwasyon.

Dalawang Chinese national na ang namatay at 100 pa ang nasugatan bunsod ng mga protestang inilunsad sa Vietnam laban sa oil rig drilling ng China sa Parcel Islands na itinuturing ng Vietnam na kanilang teritoryo.

Inaayos na ng Chinese government ang charter flights at mga barkong maglilikas sa kanilang mga mamamayan mula sa Vietnam.

Ilang Filipino ang lumahok sa rally sa harap ng Chinese consular office kasama ang ilang Vietnamese kamakailan.

Inaasahang tatalakayin nina Pangulong Aquino at Vietnamese Prime Minister Nguyen Tan Dung ang nasabing isyu sa pagdalo ng punong ehekutibo sa World Economic Forum (WEF) on East Asia na gaganapin sa bansa sa darating na Mayo 21.

Pangungunahan ni Pangulong Aquino ang pagpupulong na dadaluhan din nina Indonesian President Susilo Bambang Yudhoyono, at Vice President ng Myanmar Nyan Tun, kabilang na ang humigit kumulang sa 600 lider at delegado mula sa mga sektor ng negosyo, pinansya, at civil society mula sa 30 bansa.

“Napapanahon ang pagpupulong na ito sapagkat sa taon na ito inaasahan na ang buong rehiyon ng Silangang Asya ang magtatala ng pinakamataas na antas ng paglago sa buong mundo,” paliwanag ni Coloma.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …