Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Kawatan’ itinumba

NATAPOS ang maliligayang araw ng pusakal na kawatan, nang pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang suspek, sa Malabon City kahapon ng tanghali.

Dead on the spot ang biktimang si Dennis Salamat, 30-anyos, ng Block 71, 2nd St., Disyerto, Brgy. Tañong ng lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 at .9mm sa iba’t ibang parte ng katawan.

Naglakad habang papatakas ang tatlong suspek na pawang may takip ng panyo ang mukha na parang walang anumang nangyari na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.

Sa pinagsamang ulat nina PO3 Cleo Bejar at PO2 Angeles, kapwa may hawak ng kaso, dakong 12:30 p.m. naganap ang insidente sa kanto ng 1st at 2nd St., sa nasabing barangay.

Katatapos lang mananghalian ng biktima at naglakad-lakad muna saka umupo sa ilalim ng isang puno habang naninigarilyo.

Dito lumapit ang tatlong hindi nakilalang suspek saka pinagbabaril si Salamat na tinangka pang tumakbo pero inabot pa rin ng mga bala ang biktima.

Nabatid na si Salamat ay may naka-pending na warrant of arrests dahil sa mga kasong carnapping, holdap at pagnanakaw sa iba’t ibang lungsod.

Limang basyo ng kalibre .45 at .9mm ang narekober sa pinangyarihan ng krimen. (rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …