Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jobless na manugang todas sa biyenan

PATAY ang 29-anyos  mister nang barilin ng kanyang biyenan habang nagtatalo sa kawalan ng trabaho sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang si John Paul Hernandez, 29, walang trabaho, ng 92-C 10th  St., 11th Avenue, Brgy, 93 sanhi ng tama ng bala ng kalibre .38 sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kusang-loob sumuko kay Barangay Chairman Sonny Bonifacio ang suspek na si Wilfredo Garcia,53-anyos ng 270 Alley 8, 10th St., dahil sa kasong murder.

Sa ulat ni PO3 Michael Viray, may hawak ng kaso, dakong 10:15 p.m. nang maganap ang insidente  malapit sa bahay ng suspek.

Nabatid, unang nagka-alitan ang magbiyenan dahil sa kawalan ng trabaho ng biktima at lagi pang lasing at hindi nakatutulong sa kanyang pamilya.

Kamakalawa ng gabi, sumugod ang biktima sa bahay ng kanyang biyenan at nagagalit dahil sa pakikialam ng suspek sa kanilang buhay.

Dito na kinuha ng suspek ang kalibre .38 at pinagbabaril ang kanyang manugang na agad namatay noon din. (r. sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …