Saturday , November 16 2024

Pag-aresto ni Lim kay Enrile noong 1990 sa Senado

WALA naman talagang problema kung ihahain ng awtoridad ang warrant of arrest laban sa mga senador na sabit sa P10-B pork barrel scam sa bakuran mismo ng Senado, kaya hindi na kailangan umepal pa para maging bida sa isyung ito ang dyowa ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero.

Sapat nang precedent sa pagpapatupad ng batas ang pag-aresto ni noo’y National Bureau of Investigation (NBI) Director Alfredo Lim kay Sen, Juan Ponce Enrile sa loob mismo ng Senado na dati ay nasa Old Congress Bldg., malapit sa Manila City Hall.

Si Lim ang naatasan ng pamahalaan para ipatupad ang ibinabang warrant of arrest laban kay Enrile noong Pebrero 1990 sa kasong rebellion at murder kaugnay ng madugong Dec. 1989 coup attempt na muntik magpabagsak sa admi-nistrasyon ni Gng. Cory Aquino.

Nang panahong iyon ay wala ni isang opis-yal ng PC-INP at AFP ang may gustong magsilbi ng warrant of arrest kay Enrile dahil itinuturing siyang mapanganib at makapangyarihan kung kaya’t kay Lim iniatas ang pagpapatupad ng batas.

Nagtiyaga si Lim na maghintay sa tanggapan ni noo’y Senate President Jovito Salonga hanggang matapos ang maanghang na privilege speech ni Enrile bago niya isinilbi ang warrant of arrest sa senador.

Sa pakiusap ni Enrile, sa mismong sasak-yan niya sumakay si Lim patungong NBI at hindi siya naandap sa mga armadong tauhan ng senador sa loob ng kotse at iba pang nagkalat sa NBI compound.

Sabi nga ng Palace Spokesman noon na si Tomas “Buddy” Gomez, “What we are witnessing today is the effective operation of our cri-minal justice system under a constitutional democracy. Crimes have been committed, criminals have been identified, and therefore, cases have to be filed.”

Makalipas ang 24 na taon, kailangang patunayan din ng ngayo’y administrasyong Aquino na ipinatutupad nang wasto ang umiiral na mga batas sa ilalim ng isang demokrasya.

LACSON, “DEMOLITION CZAR”

MAPANGANIB ang takbo ng utak ng isang indibidwal na ang gusto’y paniwalaan ng lahat ang kanyang sinasabi, kahit walang basehan.

Halimbawa na lang ay ang ipinangangalandakan ni rehab czar Panfilo Lacson na aniya’y listahan ng mga mambabatas na naging kasabwat ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles, na ayaw naman niyang isapubliko.

Para tuloy lumalabas na tinatakot lang niya ang mga mambabatas na nasa listahan na hawak daw niya, pati ang Malakanyang na tila nangangatog naman sa pangitaing ipinipinta ni Lacson na maraming kaalyado nito ang sabit kaya walang “K’ ang anti-corruption campaign ni PNoy.

Naging bisyo na ni Lacson ang magpakawala ng mga akusasyon, kahit hindi suportado ng matitibay na ebidensiya, laban sa kanyang mga “kaaway” pero bigla na lang mananahimik kapag lumikha na ng ingay ang kanyang “expose.”

Malinaw iyan sa kanyang mga inilargang pri-vilege speech nang siya’y senador pa lang, na wala namang kinahinatnan.

Kung talagang may hawak siyang Napoles’ list, mga dokumento at USB na galing sa pamilya ni Janet, aba’y wala siyang dapat gawin kundi i-turn-over ito sa awtoridad na nag-iimbestiga sa kaso, gaya ng Ombudsman, o kaya’y sa Sandiganbayan, kapag naisampa na sa anti-graft court.

Iyan nama’y kung nais niyang maparusahan ang mga nagsabwatan sa paglulustay sa pera ng bayan.

Ngunit kung walang lagda ang listahan, hindi certified true copy ang mga dokumento at hindi rin sertipikado ng eksperto na kinikilala ng awtoridad ang laman ng USB, mas makabubu-ting manahimik na lang si Lacson.

Dahil ang alam ng lahat, rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ni Yolanda ang opisyal na papel ni Lacson sa gobyerno at hindi demolition czar na dumudurog sa imahe ng mga itinuturing niyang banta sa kanyang 2016 presidential ambition.

MALIKSI TALAGA SI MALIKSI;

PCSO ADS NI ROJAS, BUSISIIN

MALIKSI si Maliksi, ang pamagat ng kanyang dating programa sa radio.

Ngayon napatunayang maliksi nga siya matapos makuha ang makatas na puwesto sa PCSO.

Kaya lang, dapat na rin nilang itigil ng kanyang esposa ang umano’y madalas na pagbababad sa mga slot machine ng Solaire Resort and Casino.

Sa dami ng pwedeng pagpilian para ipalit kay Margarita Juico na sinipa ng Malakanyang ay sino ang mag-aakalang si Maliksi pa ang mapili, kaya naman pati si ret. Archbishop Oscar Cruz ay nasorpresa.

Ayon kay Cruz, si Maliksi ay isa sa mga lokal na opisyal na nasa jueteng payola.

Ang unang dapat gawin ni Maliksi ay linisin ang bago niyang bakuran, imbestigahan ang budget na nawaldas lang sa advertisement ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, manugang ng dating Press Secretary ni GMA na si Ignacio “Toting” Bunye.

Para sa reklamo, suhestiyon at komentaryo tumawag o mag text sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *