Monday , December 23 2024

“Junkie” 2016 presidentiable

PARAMI nang parami ang bilang ng mga durugista sa ating bansa, hindi lamang sa hanay ng mga karaniwang mamamayan kundi pati na rin sa antas ng mga nasa alta-sosyedad.

Pero ang lalong nakababahala, may mga mambabatas at mga opisyal na humahawak pa man din ng mataas na puwesto sa pamahalaan ang balitang ‘junkie” o lulong din pala sa paggamit ng iIigal na droga.

Kaya naman hindi maapula at maitago ang parang apoy na pagkalat ng impormasyon sa umano’y pagkalulong ng isang presidentiable sa paggamit ng ‘cocaine’, isang uri ng ipinagbabawal na droga na malupit pa kaysa ‘shabu’.

Maraming nakapuna na nitong mga nakalipas na araw ay parang gustong habulin ng sabon at suklay ang naturang presidentiable na “Junkie” dahil nagmumukha nang gusgusin ang kanyang hitsura.

Kapansin-pansin nga naman ang malaking pagbabago ng kanyang sa kanyang mga kilos, galaw at pananalita mula sa dati niyang pagkatao.

Wala na ang bakas nang dati ay kapita-pitagan, mahinahon at malinis niyang imahe na talaga namang kahit sa palengke ay pinagkakaguluhan siya dahil bukod sa simpatiko ay naging matino pa naman siyang mambabatas.

Ang problema, kahit barangay tanod ay hindi nababagay humawak ng anomang puwesto sa gobyerno ang mga tulad niya o sinomang lulong sa ipinagbabawal na droga.

Naging kapuna-puna na naging mainitin ang kanyang ulo, palasigaw at kahit sa mga pampublikong lugar ay wala siyang pakundangan kung makapagmura.

Ang malaking pagbabago sa “attitude” ng presidentiable ay isa sa mga sintomas ng mga kung tawagin ay junkie o sugapa sa iligal na droga.

Lagi kasi sa tabi niya ang isang talunang politiko sa norte na dating mambabatas, na kahit bantog ang pagiging talamak na drug addict sa Kamara ay naitalaga pang cabinet member noon sa administrasyong Arroyo.

Marami ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng dating mambabatas na malimit nakabuntot at kasama sa mga lakad ng presidentiable at sa pagkalulong niya sa pagsinghot ng cocaine.

Maaatim ba nating mga botante at mga magulang na mamamayan sa Republika ng Pilipinas na ipagkakatiwala ang kinabukasan ng ating mga anak sa isang durugista?

Alalahanin nating mahaba na masyado ang kasaysayan ng ating pagsisisi dahil sa maling pagboto ng mga politikong sugapa sa bisyong alak, sugal, babae at pagnanakaw sa salapi ng bayan.

Harinawa, ‘wag mangyari na dahil sa maling pagboto ng mga walang kadala-dalang botante ay isang durugista naman ang susunod na mamuno ng bansa.

Kapag hindi naawat sa kanyang masamang bisyo, hindi magtatagal ay magigising si “junkie” na nag-iisa na lang siya, at ‘di malayong magkaroon ng exodus ng mga kaalyado niyang lilipat sa partido ng ibang presidentiable sa 2016.

GIGI REYES, KAKANTA NA KAYA?

MARAMI ang nasasabik kung ikakanta na kaya ni Atty. Gigi Reyes ang lahat ng kanyang nalalaman sa P10-B pork barrel scam sa kanyang pagbabalik sa bansa noong Sabado.

Pero marami rin ang duda na kayang ‘ipagkakanulo’ ni Gigi ang kanyang mga kapwa akusado, partikular si Sen. Juan Ponce Enrile, dahil mangangahulugan ito na kailangan niyang isauli ang milyun-milyong pisong kickback, na ayon sa mga whistleblowers ay tinanggap niya mula sa ghost projects ng mga pekeng NGO ni Janet Lim-Napoles na pinondohan ng pork barrel ng dati niyang boss.

Bilang abogado, sigurado tayo na tantiyado ni Gigi ang haba ng panahon na gugugulin para sa paglilitis ng kasong plunder, lalo na’t wala namang binuong special court para rito.

Kung dalawang taon na lang ang natitira sa administrasyong Aquino, mas malamang na abutan pa ng susunod na gobyerno ang paglilitis sa kaso, kaya malabong magpakabayani ang dating chief of staff ni Enrile.

“KATAPAT” SA RADIO DWBL

LAGING pakinggan ang mga umuusok na balitaktakan sa mga napapanahong issue at pagbubulgar sa mga katiwalian sa aming programang “KATAPAT” na napapakinggan sa Radio DWBL (1242 Khz.), 11:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi, Lunes hanggang Biyernes, kasama ang inyong lingkod, ALAM chairman Jerry Yap, Rose Novenario, Peter Talastas, Jograd dela Torre at Atong Ma.

***

(Para sa anomang sumbong at reaksiyon, tumawag lamang sa 09174842180, o lumiham sa [email protected])

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *