Monday , December 23 2024

District Director hotline vs krimen, sugal inilunsad sa Maynila

INILUNSAD ng Manila Police District(MPD) ang direct hotline kontra illegal na aktibidad katulad ng mga krimen at sugal sa lungsod ng Maynila.

Ilang araw pa lamang makaraan ipamahagi ang calling cards ng “Direct hotline” sa opisina ni MPD District Director Chief Supt. Rolando Asuncion ay marami na ang nagparehistro at nakiisa sa makatotohanang adhikain at programa ni Asuncion para sa pagsugpo sa kriminalidad sa kanyang nasasakupan.

Layunin ng inilunsad na direct hotline ni Gen. Asuncion ay upang direktang makatawag sa kanya at sa kanyang opisina ang mga rehistradong card holder ng kanyang calling card para maimpormahan ang pulisya ukol sa mga nangyayari sa Maynila.

Ayon kay Gen. Asuncion, maaaring tumawag sa nakatalang numero sa kanyang ipinamimigay na registered calling card sakaling may mga sumbong ukol sa ilang illegal na aktibidad gaya ng paggamit at bentahan ng droga, illegal na sugal na kadikit ang isyu ng “police kotong.”

Bukas din ang District Director’s Direct Hotline (DD-DH) sa ano mang suhestyon kung paano mapaiigting ng mga pulis ang pagsugpo sa kriminalidad sa lungsod para sa peace and order sa komunidad.

Makakukuha ng District Director’s Direct Hotline card sa ano mang police station o presinto sa Maynila at sa MPD HQ-D5 ngunit dapat iparehistro ang personal identification upang maitala ang pagkatao ng kukuha ng card na magsisilbing civillian registered informant kontra kriminalidad.

Nabatid na ilang tiwaling pulis ang utak ng mga pasugalan at ilang nagpapakilalang bata o tauhan ng ilang politiko ang nagsisilbing protektor at tongpats sa illegal gambling activities.

Kasabay nito, inatasan ni Asuncion ang mga hepe ng bawat presinto sa lungsod na maging alerto sa bawat tawag na kailangang tugunan o ano mang police assistance na kinakailangan ng mga sibilyan.

Habang hinuhukay ng MPD District Intel Division (DID) sa pamumuno ni Supt.Villamor Tuliao katuwang ang PNP-INTEL Family, ang iba pang illegal activities sa lungsod lalo na ang kinasasangkutan ng mga tiwaling personnel ng PNP/MPD upang “kalusin” ang nababansagang “bulok na kamatis” na pasimuno ng illegal na sugal at ilang kotong na mga tauhan ng mga politiko na tongpats sa mga iligalista sa lungsod.

Idinagdag pa ni Gen. Asuncion, mahigpit niyang ipatutupad “one strike policy” sa sino mang pulis na irereklamo sa direct hotline.

Aniya, kapag napatunayan ang reklamo ay agad niyang ipasisibak bilang pagsuway sa kanyang direktiba.

(BRIAN GEM BILASANO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *