Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chief of staff ng Bulacan board member todas sa tandem

AGAD binawian ng buhay ang chief of staff ng board member ng lalawigan ng Bulacan makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang minamaneho ang kanyang Bes-ta van sa Brgy. Longos, sakop ng bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon ng umaga.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Edwin Inocencio, 35, may-asawa, residente ng Brgy. San Sebastian, Hagunoy, Bulacan, chief of staff ni Provincial Board Member Majority Floor Leader Michael Fermin ng Unang distrito.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, galing sa kanilang bahay ang biktima at magre-report sana sa nasabing bokal bilang bahagi ng kanyang trabaho.

Ngunit biglang nag-overtake sa kanyang minamanehong sasakyan ang isang motorsiklo at pagtapat sa bintana ng driver’s seat ay pinagbabaril ang biktima ng mga suspek dakong 8:30 a.m.

Ayaw pang magbigay ng konklusyon ang pulisya kaugnay sa motibo ng pagpaslang sa biktima hangga’t hindi pa natatapos ang kanilang imbestigasyon.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …