Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Van nahulog sa bangin 2 patay, 5 sugatan (Sa Itogon, Benguet)

BAGUIO CITY- Patay ang dalawa katao habang lima ang sugatan sa pagkahulog ng isang van sa bangin sa Camiling, Loakan, Itogon, Benguet.

Kinilala ang mga namatay na sina Reynaldo Paz at Tita Saguid habang sugatan sina Cirilo Blas, Eunice Blas, Aries Blas, Carmela Paz at Mika Rufino.

Ayon kay Senior Supt. Rodolfo Azurin Jr., Provicial Director ng Benguet Police Office, nagmula ang nasabing sasakyan sa lungsod ng Baguio at patungo sa bayan ng Kabayan, Benguet nang mahulog ito sa 100 metrong lalim ng bangin sa nasabing lugar.

Dagdag pa niya, agad naisugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit nahirapan silang i-rescue ang isang lalaki dahil sa pagkaipit sa loob ng sasakyan.

Inaalam pa ng pulisya ang dahilan ng pagkahulog sa bangin ng nasabing sasakyan. (DANG GARCIA/BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …