Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted sa pagpatay timbog sa pagnanakaw

RIZAL – Nagwakas ang matagal nang pagtatago sa batas ng isang suspek sa pagpatay sa Malolos, Bulacan nang madakip sa kasong pagnanakaw at nakilala ng anak ng kanyang biktima sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang suspek na si Roel Segobia alyas Dodong, 36, residente ng Purok 2, Pagrai Hills, Brgy. Mayamot ng nasabing lungsod.

Si Segovia ay suspek sa pagpatay kay Violeta Ebardo, 59, residente ng Matangtubig, Malolos, Bulacan, sinampahan ng kaso sa Malolos Regional Trial Court noong taon 2012 ngunit nagtago.

Ayon sa ulat, nadakip sa pagnanakaw ang suspek noong Marso 3, 2014 ngunit nagpakilala bilang si Ruel Hugar y Aguellosa. Nakatakda na sana siyang makalaya makaraan maglagak ng pyansa ngunit nakilala siya ng isang anak ni Ebardo na si Liza Guarin, nagkataong nakatira sa Brgy. Dela paz, Antipolo City.

Ang suspek ay nakatakdang dalhin sa Malolos RTC para litisin kaugnay ng kasong pagpatay.

(MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …