Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-hubby ni De Lima hugas-kamay sa NBI-Napoles meeting

HUGAS-KAMAY ang dating asawa ni DoJ Secretary Leila de Lima kaugnay sa alegasyong siya ang nasa likod ng paki-kipagpulong ni Janet Lim-Napoles kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Nonnatus Rojas.

Inihayag ni Atty. Pla-ridel Bohol, nagtungo siya sa NBI upang magpaabot ng pagbati kay Rojas na katatapos lamang magdiwang ng kaarawan.

Giit ng abogado, kumakain lamang silang dalawa ni Rojas ng pananghalian bago dumating si Atty. Freddie Villamor kasama si Napoles na nagreklamo kay Rojas hinggil sa pagbalik-balik ng ilang NBI agents sa kwarto ng kanyang kapatid sa St. Lukes Hospital na katatapos pa lamang sumailalim sa heart bypass surgery.

Aniya, nagmakaawa si Napoles na aksyonan ni Rojas ang kanyang reklamo upang makapagpagaling na ang kapatid ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay agad na umalis si Napoles sa NBI.

Nanawagan siya sa publiko na huwag lag-yan ng malisya ang na-sabing isyu.

(KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …