Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kompanya ni Cedric sinampahan ng P194-M tax case

SINAMPAHAN ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DoJ) ang kom-panya ng negosyanteng si Cedric Lee na Izumo Contractors (IZUMO) Inc., dahil sa hindi pagbabayad nang tamang buwis para sa taon 2006, 2007, 2008 at 2009.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 ang kahaharapin ng mga may-ari ng kompanya.

Kabilang sa kinasuhan ng BIR ang presidente ng kompanya na si Lee, ang chief operating officer na si John K. Ong, at chief financial officer na si Judy Gutierrez Lee, may business address sa Ortigas Ave., Quezon City.

Sa imbestigasyon ng BIR, umaabot sa kabuaang P194.47 milyon ang tax liability na kailangang bayaran ng kompanya mula taon 2006 hanggang 2009.

Si Lee, kinasuhan sa pambubugbog kay TV/host actor Vhong Navarro, ay pang 227 na kinasuhan ng BIR sa ilalim ng RATE program ng ahensya.

(LAYANA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …