KORONADAL CITY – Gutom ang nararanasan ngayon ng 200 pamilya ng Manobo tribal village sa President Ro-xas, North Cotabato dahil sa tagtuyot dulot ng mainit na panahon simula pa noong nakaraang buwan ng Pebrero.
Inihayag ni Masong Macla, tribal chieftain ng Brgy. Datu Inda, nakararanas ng food shortage ang mga resi-dente sa kanilang lugar nang matuyo ang kanilang mga lupang sakahan ng palay at mais.
Ayon kay Macla, uma-asa lamang ang mga magsasaka sa kanilang lugar sa tubig-ulan at dahil halos isang buwan nang hindi umuulan sa kanilang lugar, nagresulta ito sa pagkasira ng kanilang mga pananim.
Dahil walang makain, ang ibang mga residente ay kumakain na lamang ng tinatawag na kayos o wild yam na ayon sa medical at scientific experts ay nakalalason kung hindi malilinisan nang mabuti.
Bunsod nito, umapela ng tulong si Macla sa mga opis-yal ng kanilang probinsya, partikular kina Governor Emmylou Talino-Mendoza, Rep. Nancy Catamco at President Roxas Mayor Jaime Mahimpit.