TINUTULAN ng ilang mga senador ang mungkahi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa Kongreso na alisin na ang Bank Secrecy Law.
Binigyang-diin ni Sen. Grace Poe, kung magkakaroon ng kalayaan ang BIR na busisiin ang bank account ng sino man ay baka mawalan na ng tiwala sa mga banko ang mga depositor na tiyak makaaapekto sa ating ekonomiya.
Bunsod nito, iginiit ni Poe sa BIR na pag-aralan muna mabuti at humanap nang mas mainam na paraan sa pagdetermina ng mga hindi nagbabayad ng buwis.
Giit ni Sen. Nancy Binay, mas maraming disadvantages o nega-tibong dulot ang nais ng BIR.
Una aniya rito ang posibilidad na pagkalat ng impormasyong makukuha ng BIR ukol sa bank accounts ng sino man na posibleng maging dahilan ng kanilang kapahamakan.
Tutol din sa panukala sina senators Chiz Escudero, Sonny Angara, Vi-cente Sotto III sa hirit ng BIR na ibasura na ang Bank Secrecy Law sa layuning mahabol kung sino-sino ang hindi nagbabayad nang tamang buwis.
Ngunit depensa ni Henares, sa ganitong paraan ay mabibigyan ng proteksyon ang tax system ng bansa upang maiayon sa global standards ang pag-habol sa mga hindi nagbabayad nang tamang buwis.
(CYNTHIA MARTIN)