Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

100 sasakyan kompiskado ng towing company nasunog

NASUNOG ang impounding area ng isang towing company na tinatayang may nakalagak na 100 iba’t ibang uri ng sasakyan sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Fire Inspector Douglas Guiyab, ng Pasay City Fire Protection Unit, nagsimula ang sunog dakong 5:00 ng umaga sa isang pribadong impounding area na pag-aari ng Southern Crescent Towing Company,   matatagpuan sa Gil Puyat Avenue, malapit sa Diocno St., ng naturang lungsod.

Sa ulat, sinabing bigla na lamang sumiklab ang impounding area dahilan upang masunog ang pinaniniwalang may 100 sasakyan na kinabi-bilangang ng ilang pampasaherong jeep, motorsiklo, trucks at sports utility vehicle. Umabot ang sunog sa unang alarma.

Ang nasunog na mga sasakyan ay sinabing  mga luma na na-impound mula sa illegal parking dahil noong 2012 pa huling nag-operate ang Southern Crescent Towing  Company.

Umabot ng isang oras bago naapula ang sunog dakong 6:00 ng umaga dahil natagalan bago nakahingi ng saklolo  ang caretaker ng impounding area na kinilalang si Arturo Habulan.

Ani Habulan, matagal nang pinaaalis sa lugar ang impounding services na noong Oktubre 2013 pinadalhan ng eviction notice ang may-aring si Wilfredo Baltazar pero tumangging tanggapin ito.

Ayon kay  Pasay City Fire Arson Investigator Mark Lanusga, ipatatawag nila si Habulan, at si Baltazar kaugnay ng insidente.

Inaalam ng mga awtoridad kung magkano ang halaga ng napinsala at iniimbestigahan kung sinadya o aksidente lamang ang nangyaring sunog. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …