NAGPASOK ng “not guilty plea” si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) director Jose Taruc V makaraan basahan ng sakdal na plunder sa Sandiganbayan kahapon.
Giit ni Taruc, wala silang kinuha mula sa mahigit P300 million PCSO fund na kinukwestyon ng mga petitioner.
Bantay-sarado si Taruc mula sa Camp Crame detention facility hanggang pagdating sa Sandiganbayan.
Nakaposas siya na tinakpan lamang ng jacket.
Bago humarap sa kor-te, idinaan muna si Taruc sa sheriff’s office para sa ilang proseso.
Hawak ng Sandiganbayan First Division ang usapin, kasama na ang mga kaso ng iba pang respondents.
Bukod kay Taruc, akusado rin sa rekla-mong pandarambong sina dating Pangulong Gloria Arroyo; dating PCSO board of director Sergio Valencia; dating general manager Rosario Uriarte; directors Manuel “Manoling” Morato, Raymundo Roquero at Ma. Fatima Valdes; Benigno Aguas, Asst. manager for finance; dating Commission on Audit (COA) chairman Reynaldo Villar at Nilda Plaras ng COA-Intelligence Fund Unit.
(LAYANA OROZCO)