BACOLOD CITY – Da-pat magparehistro na ang mga botante na wala pang biometrics data sa Comelec.
Ito ang iminungkahi ni Comelec Spokesman James Jimenez upang makapaboto sa darating na 2016 presidential elections.
Kinompirma ni Jimenez, aabot sa 7.3 million botante ang posibleng hindi makaboto dahil walang biometrics.
Kaugnay nito, hinikayat ni Jimenez ang mga wala pang biometrics data na samantalahin ang pagkakataon na ibibigay ng Comelec.
Napag-alaman na Mayo 6, 2014 magsisi-mula ang voters registration at ito ay tatagal hanggang sa Oktubre 2015.
Sa layuning ma-accomodate ang lahat na magpaparehistro, sinabi ni Jimenez na magbubukas ang Comelec kahit araw ng Linggo.
Ito ay upang mabig-yan nang sapat na pag-kakataon na makapagparehistro ang mga may trabaho mula Lunes hanggang Biyernes o Sabado.
(KARLA OROZCO)