Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P5-B funds unliquidated 100 gov’t off’ls target sa asunto

AMINADO ang Commission on Audit (CoA) na matatagalan pa bago maisasampa ang kaso laban sa tinatayang 100 government officials kaugnay sa sinasabing “unliquidated cash advances” na pumalo sa mahigit P5 billion noong taon 2011.

Ayon kay CoA Chairperson Grace Pulido-Tan, masyadong masalimuot ang isyu, lalo’t malawak at marami ang mga sangkot na government officials, government agencies, NGOs at civil society organizations.

“It’s not as easy as sit down and make a complaint. You’re talking of so many millions of names and documents we have to prepare. You cannot just go to court. You have to make a pleading, complaint and attach all the documents so it’s not really easy.”

Una nang inihayag ni Tan na ang kinukwestyong pondo ay iba pa sa government funds na nasangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso “pork” barrel scandal.

Dagdag ng opisyal, nakipag-ugnayan na sila sa Office of the Ombudsman kaugnay sa ginagawang imbestigasyon.

“We hope with what we’re doing, we’re sending the clear message to everyone that you cannot get away with this forever. Some may be able to get away pero kailangan ding managot,” ani Tan.

Bagama’t tumangging tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga opisyal na sangkot sa iskandalo, inamin ng CoA head na may ilan sa kanila ay nakaladkad na rin ang pangalan sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

(KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …