Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

13-anyos tostado sa kidlat (4 sugatan)

NATUSTA ang 13-anyos binatilyo habang sugatan ang apat mangingisda nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa Camarines Sur.

Dinala na sa punerarya ang bangkay ng biktimang si Christian Erez, habang ginagamot sa Partido District Hospital sanhi ng  2nd degree burns sa katawan ang iba pang mga biktimang sina Jeantly Buhayo, 32; Ronald Barcites, 41; John Paul Nabus, at Jimboy Buhayo, 29, pawang mga residente ng Brgy. Cabotoran sa nasabing bayan.

Batay sa ulat na nakarating sa Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Simeon Ola, naganap ang insidente dakong 4 a.m.  habang nasa laot ang mga biktima at nangingisda sa kabila ng sama ng panahon.

Ilang beses munang kumidlat sa kinalulugaran ng mga biktima at minalas na tumama ang huling kidlat sa kanilang bangka.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …