BINALAAN ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na kung mabibigong mabigyan ng solusyon ang brownout sa Mindanao ay tiyak na maaapektuhan ang mga kandidato ng adminitrasyon sa 2016 elections lalo na ang magiging presidential standard bearer nito.
Ayon kay Trillanes, batay sa kanyang karanasan sa Mindanao, karaniwang natatalo ang mga kandiidato ng adminitrasyon ng dahil sa brownout.
Tinukoy ni Trillanes na maaaring gamitin ng mga kalaban ng admi-nistrasyon ang isyu ng brownout upang mawasak ang mga kandidato nito.
Iginiit pa ni Trillanes, hindi pa huli ang lahat at hangga’t maaga ay marapat lamang na bigyang solusyon ito ng Pangulo upang sa gayon ay umani ng suporta ang kasalukuyang nakaupong manok at ang mga mamanukin pa lamang ng adminitrasyon sa 2016.
(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)