Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Saksakan sa Bilibid ‘puzzle’ kay De Lima

Pinaiimbestigahan ni Justice Secretary Leila de Lima ang dalawang insidente ng pananaksak sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) na nagresulta sa pagkamatay ng isang inmate at pagkasugat ng isa pa, iniulat kahapon ng umaga.

Ayon kay De Lima, pupulungin niya bukas, ang mga opisyal ng NBP at Bureau of Corrections, pagkatapos ng graduation rites ng bagong batch ng mga prison guards.

Ani de Lima, aalamin niya kung paano nakapuslit sa loob ng Bilibid compound ang mga patalim gayong dapat ay mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa nasabing pasilidad.

Bagamat maituturing nang perennial incident o hindi na bago ang ganitong insidente sa loob ng Bilibid, nais malinawan ni De Lima ang dahilan at ugat ng  pananaksak.

Samantala, ayon kay NBP Supt. Fajardo Lansangan, inaalam pa nila kung magkaugnay ang dalawang insidente ng pananaksak.

Sa unang insidente ng pananaksak, nangyari dakong 8:15  ng umaga, nasugatan si Nolfi Ladiao nang sugurin ng Sputnik Gang member na si Enrico de Asis habang naglalaro ng volleyball.

Sa ikalawang insidente, napatay ang Sputnik Gang member na si George Almo, nang saksakin ng isang hindi pa kilalang suspek habang papuntang chapel ng Iglesia ni Cristo sa loob NBP ang biktima.   (LEONARD BASILIO/

JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …