Friday , November 15 2024

City council vs land developers

He has given us his very great and precious promises, so that through them you may participate in the divine nature and escape the corruption in the world caused by evil desires. 2 Peter 1:4

MATINDI raw pala ang naganap na public hearing d’yan kamakailan sa Manila City Council. Ipinatawag ang lahat ng land developers sa Lungsod at pinagbantaang gigibain ang kanilang buildings kapag hindi ‘nakipag-ayos’ sa kanila ang mga land or building developers.

Anong klaseng ‘ayos’ kaya ito? Diyusko, katakot naman ang pagbabanta na ito ng Konseho. Halos lahat na lang yata ng investors ay tinatakot kapag hindi kumuha sa kanila ng ‘abiso.’

Alam ba ito ni Pangulong Erap?!

***

PURO na lang pananakot at panggigipit ang ginagawa ng Konseho sa mga Manilenyo. Mula sa malulupit na bus ban, truck ban, contractors (kailangan accredited ng City Council) at ngayon ay ang mga land/building developers ang kanila naman hina-harass.

Hampas sa likod ni Pangulong Erap ang ginagawa ng Konseho sa land developers at maging sa mga negosyante sa Lungsod.

***

NOONG panahon ni Mayor Alfredo Lim, inalis niya ang pagbabawal sa paglilimita sa pagtatayo ng matataas ng building sa Maynila. Dahil wala naman sa National Building Code ang pagbabawal kundi utos lamang noon ng dating Alkalde.

Mula noong 2007 hanggang 2013, naitayo ang mga high rise building sa Maynila na ikinasigla ng kalakalan at negosyo sa buong Lungsod.

Kaya anong kotongan este kalokohan na naman ito ng Konseho, aysus paki-explain! Labyu!

ARTISTA NA ‘YAN!

CONGRATULATIONS kay Bossing Jerry Yap na kinilala at ginawaran ng Philippine Movie Press Club (PMPC) bilangDarling of the Press sa gabi ng parangal sa Solaire Grand Ballroom sa Parañaque City, kamakalawa.

Hindi showbiz personality ang ating bossing Jerry pero dahil sa kanyang magandang pakikitungo at pakikisama sa showbiz industry ay naging palasak ang kanyang pangalan sa mundo ng mga showbiz/ entertainment writers.

Aba, bossing Jerry, andami mo nang darling ha?!

HAPPY BIRTHDAY

KAGAWAD ROBERT BUNDA!

BATIIN muna natin ang pinakasimpatiko at masipag na kagawad ng Barangay 659-A Zone 71 (District 5) na si Robert Bunda na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon.

Masaya ang selebrasyon ni Kagawad Bunda na nag-treat sa amin sa Viking’s Restaurant. Nais pasalamatan ni Kag Bunda ang mga bumati at dumating na kaibigan, mga kasama sa barangayan sa munting salo-salong inihanda niya.

***

MARAMING thank you din nga pala kay Councilor Arnold “Ali” Atienza ng 5th District na nakisalo sa aming selebrasyon kay Kag. Bunda, ganoon din kay graft buster Atty. Rey Bagatsing,  kay dating Chairman Romeo Castro at incumbent Chairman Ben Kalalo, Ronald Bariga at iba pa.

Matagal na natin nakasama si Kag Bunda sa barangay at wala tayong masabi sa kanya kundi maging maingat sa pagmamaneho at iwasan ang mga barumbadong taxi drivers sa lansangan.

Wishing you more birthdays to come Kagawad!

ANG AMPANGEET

NG APOGEE TAXI!

SPEAKING of taxi drivers, napakabarumbado pala ng taxi drivers ng Apogee Taxi. Mantakin mo napalakawak ng kalsada ng MOA, nambabangga pa ng mga motorista.

Dapat masuri ng operation manager ng Apogee Taxi na si Paul Generoso ang lahat ng kinukuha nilang drivers ng kanilang taxi dahil napaka-reckless ng kanilang mga tsuper.  Simpleng traffic rules and regulation ay hindi alam ng kanilang tsuper.

Paano naging driver ‘yan ng Apogee taxi?!

***

SIMPLE lang naman mga kabarangay, kung ikaw ay mag-u-u-(left) turn dapat nasa left lane ka na e, ang ginawa ng taxi driver ng Apogee may plate number TXW-604 na wala sa linya, aba, humarurot pa paliko at pilit na kumaliwa kahit may sasakyan sa kanyang left lane.

Ayaw na natin idetalye ang katangahan at kagaguhan ng kanilang driver, dahil nasa Traffic Unit na ang kaso, pero kung hindi patitinuin ng operators ng Apogee Tax ang kanilang mga tsuper, may paglalagyan sila satin!

Kaya ayusin n’yo ang gusot n’yo hangga’t maaga pa, bago ko gawin Ampangeet Taxi ang Apogee taxi n’yo!

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *