Saturday , November 23 2024

Korean ‘MAFIA’ invading our country

00 Bulabugin JSY

Bukod sa mga Chinese nationals ay dapat mapagtuunan din ng pansin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Fred Mison ang Korean nationals na may illegl activities sa ating bansa.

Masyado nang maraming Koreano ang nai-involve sa online gaming, cybersex, casino financing, kidnapping at maging ang pagdami ng mga illegal language schools na ginagawang front para makapag-stay sila nang matagal sa ating bansa.

Karamihan sa mga illegal language schools na ito ay walang accreditation sa Bureau at ang mga estudyante ay pawang walang special study permits. Sobra ba ang dami ng trabaho ng mga taga-BI Student Desk Section at hindi na nila ma-monitor ‘yang mga ‘yan?

Maging ang mga pagdami ng Korean communities sa ating bansa ay nakaaalarma na dahil baka dumating ang araw na mas marami pa ang mg Koreano kaysa mga Chinese at Bombay. Mabuti sana kung nakapagbibigay ng maraming oportunidad at negosyo para magkaroon ng trabaho ang Pinoy. ‘E kaso pawing pang-aabuso at kawalanghiyaan ang natatanggap ng ating mga kababayang Pinoy.

Suggestion lang po Comm. Fred Mison, baka pwedeng pasadahan mo na rin ang mga Koreanong ‘yan lalo na ‘yung mga Korean junkets sa casino na ang karamihang nagpapatakbo ay miyembro ng Korean mafia?!

Isa na si TIGER O (money launderer) na namamayagpag sa Resorts World Casino at isang MIKE SA-KIM na nagnenegosyo ng poker sa Solaire Casino kahit peke ang kompanya at hindi nagbabayad ng buwis sa BIR.

Balita ko pa po kung hindi kwestiyonable ay walang kaukulang visa ang mga Korean casino financiers maging ang kanilang runners.

Huwag naman sanang mamayani ang mga ‘kimchi’ sa ating bansa!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *