Thursday , May 8 2025

Delfin Lee arestado sa P7-B Syndicated Estafa

IKINULONG na sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility sa San Fernando City, Pampanga ang negosyanteng si Delfin Lee na nahaharap sa kasong P7 bilyon syndicated estafa.

Batay sa commitment order ng korte, doon muna mamamalagi si Lee hangga’t hindi nareresolba ang usapin sa mosyon ng kanyang kampo.

Nauna rito, hindi pinayagan ng korte ang hiling ng kampo ng negosyante na makapag-piyansa. Giit ng kanyang abogado na si Atty. Gilbert Repizo, wala nang bisa ang warrant of arrest laban sa kanyang kliyente kaya hindi maaaring ikulong o i-hold ng mga awtoridad si Lee.

Mananatili si Lee sa NBI habang nakabinbin ang nasabing mosyon dahil humiling pa ng limang araw ang prosekusyon para makapagkomento.

Sinabi ni Judge Edgardo Chua, wala pa rin resolusyon kaugnay ng legalidad ng pag-aresto ng Manila Police District (MPD) at Task Force Tugis kay Lee nitong Huwebes ng gabi dahil kanila pa itong pinag-aaralan.

Una nang sinabi ni Senior Supt. Joel Coronel, kinilala ng korte ang pag-aresto nila sa Globe Asiatique head matapos tanggapin ang return of warrant of arrest kahapon ng umaga.                  (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Abby Binay Pammy Zamora

Kaugnay ng sinabing vote buying sa campaign rally  
Binay, Zamora, inireklamo sa COMELEC

ISANG reklamo ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kina Makati Mayor at tumatakbong …

Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers …

Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *