Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Koreano tumalon sa condo, dedo

030714_FRONT
BIYAK ang ulo at nagkalat ang utak ng isang 35-anyos Koreano nang mag-ala superman na tumalon mula sa 24 floor ng condominium sa Mandaluyong City kahapon ng umaga .

Kinilala ng Mandaluyong PNP ang biktimang si Han Jack Young, musician, nakatira sa unit 240 C, G.A. Tower-1, EDSA corner Boni Avenue, Brgy. Malamig sa lungsod.

Ayon kay Han Jung Ah, live-in partner ng biktima, magkatabi silang nakahiga sa inuupahang condo nang biglang lumabas ng kwarto ang malungkot na Koreano dakong 5:20 am saka nagtungo sa terrace.

Ilang minuto ang lumipas biglang namatay ang ilaw sa kwarto kaya lumabas ng silid ang babae upang alamin ang dahilan ng brownout.

Nang buksan niya ang bintana ay nakita niyang nakabulagta sa EDSA ang biktima.

Aniya, kaya namatay ang ilaw ay dahil sumabit ang biktima sa kawad ng koryente nang tumalon mula sa ika-24 palapag ng condominium, bago bumagsak sa kalsada.

Naniniwala si Jung Ah na dahil sa kawalan ng trabaho sa nakaraang tatlong taon ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

ni ED MORENO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …