Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bank accounts na-withdraw na ni Napoles?

SINASABING na-withdraw na ni Janet Lim Napoles at naitago ang mga laman ng kanyang bank accounts bago pa man mag-isyu ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa Manila Regional Trial Court.

Ayon sa ulat, mas maliit na ang halaga ng bank accounts ni Napoles mula sa kanyang P10 billion pork barrel transactions.

Sa 11 bank accounts na hawak ng Anti Money Laundering Council (AMLC), pito ang nakapangalan kay Janet Napoles habang ang iba ay joint accounts.

Umaabot sa $542,442 o nasa mahigit P24.27 million ang nasa pangalan ni Napoles at ang nasa peso account ay umaabot sa P1.30 million.

Gagawin ang pagdinig sa Marso 7 at pagdedesisyonan kung itutuloy pa ang freeze order sa ari-arian ni Napoles at iba pang dawit sa pork barrel anomaly.

DE LIMA KOMPYANSANG KAKANTA SI NAPOLES

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na maaaring bumaliktad para maging state witness si Janet Lim-Napoles, ang sinasabing principal suspect sa kontrobersyal na pork barrel scam at Malampaya fund scam.

Sinabi ni De Lima, malaki ang maitutulong ni Napoles upang mapagtibay pa ang kaso laban sa mga dawit sa anomalya lalo na’t hindi lahat ng mga mambabatas ay dumaan sa NGO ng negosyante o dumaan sa transaksyon sa mga whistleblower.

Ayon kay De Lima, batay sa testimonya ng mga testigo, ilang mga mambabatas ang direktang nakipagtransaksyon kay Mrs. Napoless.

Aniya, tanging si Napoles lamang ang makapagsasabi nang katotohanan.

Kaugnay nito, tutol  ang kalihim na ilipat ng ordinaryong kulungan si Napoles lalo na’t posible pa rin aniyang magsabi ng katotohanan.

“Meron po kaming expectation na magsalita siya in the near future. Huwag na ho muna tayo magmadali ngayon,” ani De Lima.              (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …