Friday , November 22 2024

Maanomalyang bidding sa LRT-MRT ticketing proj pinaiimbestigahan kay PNoy

HINILING kahapon ng National Coalition of Consumer Groups kay Pangulong Benigno Aquino III na imbestigahan ang maanomalyang bidding na isinagawa ng Department of Transportation and Communication (DoTC) sa LRT-MRT ticketing project.

Kaugnay nito, nangangamba ang consumer groups na ang nasabing maanomalyang bidding ay makaaapekto sa tiwala ng mga investor at sa iba pang bidding ng government private-public partnerships.

Ayon kay Atty. Oliver San Antonio, lawyer-spokesperson ng National Coalition of Filipino Consumers dapat gumawa ang DoTC ng nararapat na hakbang kaugnay sa isinagawang bidding at magsagawa ng background check sa AF Consortium.

Base sa isinumiteng dokumento at tinanggap ng AF Consortium, ang major companies, Ayala Group at ang Metro Pacific Investment Corporation ay may financial interests sa MRT Line 3.

Sinabi ng abogado na nagtapos sa University of the Philippines (UP), naghain sila ng arbitration case laban sa pamahalaan kaugnay sa pagbili ng China-made trains sa bansang Singapore International Arbitration Court na kasalukuyang dinidinig.

Sa ilalim ng bidding rules ng DOTC ay awtomatikong diskwalipikado ang bidders na may nakabinbing kaso laban sa pamahalaan na interesado sa LRT1, LRT2 at MRT3.

Ang MPIC at Ayala ay pawang interesado sa MRT3. Ang MPIC ay nagmamay-ari ng 47% ng AF Consortium.

Idinagdag ni San Antonio, dapat pangalagaan ang kredibilidad ng mga isinagawang bidding ng private-public partnership projects sa ilalim ng Aquino administration upang hindi masira sa international community.

“It is clear from the bidding rules that AF Consortium should have been disqualified because one of its companies, MPIC, has a major case filed before an international tribunal against the Aquino administration. The rules are very clear—no bidder with a pending case before any tribunal or court against government will be allowed to bid,” ani San Antonio.

Kasabay nito, hiniling ng grupo sa DoTC na ideklarang walang bisa ang nasabing bidding at kasuhan ang mga opisyal nito graft and corruption.

“I hate to say this, but DoTC should declare a failed bidding. It must admit to the public that it failed to check the action made by MPIC against the government. MPIC is a major stockholder of AF Consortium,” anang abogado.

Kaugnay nito, hiniling ng buong NCFC sa gobyerno na ipa-revoke ang bid award sa AF Consortium na nag-aalok lamang ng pagbabayad ng P279 milyon sa P3.3 bilyong project na may kikitaing P2 bilyon.

Samantala ang iba pang bidders ay pinagbabayad ng P1 bilyon bilang concession fee.    (MON ESTABAYA)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *