Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawa niratrat sa Binondo mister todas

022314_FRONT

PATAY ang isang 31-anyos lalaki,  habang sugatan ang kanyang ka-live in, matapos paulanan ng bala ng hindi nakilalang mga suspek sa  Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa  Justice Jose Abad Santos General  Hospital (JJASGH)  si Hadrahyar Dimatingcal, mananampalataya ng Islam, ng Muelle De Industria St., Binondo,  sanhi ng tama ng bala sa mukha at katawan.

Nakaratay sa nasabing pagamutan ang live-in partner ni Dimatingcal na si Roxanne Lewis, 21, tinamaan ng ligaw na bala sa likod.

Sa isinagawang imbestigayson ni SPO1  Richard Escarlan, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 7:45 ng gabi nang pasukin ng dalawang suspek na nakilala lamang sa mga alyas Topeng at Mama ang mga biktima.

Pagkapasok ng mga suspek sa kwartong inuupahan ng mag-live in  sa ikatlong palapag ng RGC Building sa #305 Muelle De Industria St., sa Binondo, agad pinaputukan ang mga biktima ng dala nilang kalibre .45 baril.

Tinamaan sa mukha at iba pang bahagi ng katawan ang biktima at nang matiyak na patay na si  Dimatingcal, mabilis na tumakas ang mga suspek, sakay sa nakaan-tabay na dalawang motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala at isang live ammo mula sa calibre .45 baril.

ni leonard basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …