Friday , November 22 2024

Motel sa Pasig walang permit

TINULIGSA ng mga residente ng Lungsod ng Pasig ang pagtatayo ng motel sa kanto ng Shaw Boulevard at Danny Floro Streets, Barangay Orambo, nang walang building permit at kawalang aksyon ng city government.

Ayon sa source, ang itinatayong motel ay pag-aari ng Bloyue Mica Inc., ang namamahala sa Nice Hotel, na may puwesto rin sa panulukan ng EDSA at Shaw Boulevard, Mandaluyong city.

Desmayado ang mga residente dahil sa pagsuway sa itinalagang tatlong-metro palugit (easement) ng building at kalsada para sa dadaanan  ng pedestrian sa lugar.

Kadudaduda rin ang paglutang ng pangalan ni Atty. Reynaldo Dionisio, city administrator ng Pasig, kaugnay sa  itinatayong motel.

Ayon sa source, si Dionisio umano ang lumalabas na may-ari ng lupang tatayuan ng motel, pero sa record, ang orihinal na may-ari ng lupa ay isang Jose Santos.

Kataka-taka rin na tila nagbubulagbulagan ang city government dahil, Disyembre  2013 pa, sinimulan ang pagputol ng mga puno sa nasabing compound pero hindi ito pinapansin ni Pasig City Building Permit chief Engr. Raul Silva.

 

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *