TINIYAK ng Palasyo na makatatanggap ng tulong pi-nansyal ang mga kaanak ng mga namatay sa naaksidenteng bus ng Florida Transport Corporation sa Mt. Province.
Sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., batay sa pag-uusap nila ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez, P150,000 ang makukuha ng bawat naulilang pamilya mula sa Florida Transport at insurance company.
Suportado rin aniya ng Malacañang ang panukalang lagyan ng speed limiter, CCTV at GPS ang mga pampasherong bus upang maiwasan ang mga aksidente.
Walang kategorikal na sa-got si Coloma hinggil sa suhestiyon na gamitin ang bahagi ng bilyon-bilyong road users’ tax para sa road safety.
Ani Coloma, kailangan isangguni muna kay Public Works Secretary Rogelio Singson ang nasabing panukala dahil ang road users’ tax ay nasa pangangasiwa ng DPWH at sinisingil para sa kaligtasan ng mga impraestrukturang dinaraanan ng mga sasakyan.
(ROSE NOVENARIO)