Wednesday , May 7 2025

Killer ng journalist taksil na misis? (Sa imbestigasyon ng pulisya)

SINAMPAHAN ng kasong murder ang misis ng pinaslang na journalist sa Tandag City, Surigao del Sur.

Si Michael Milo, national supervisor ng Prime Radio FM, ay namatay matapos pagbabarilin ng tatlong lalaking nakamotorsiklo nitong Disyembre 6.

Inihain ng Surigao del Sur police ang kasong murder laban sa misis ni Milo na si April. Kasama rin sa kinasuhan si PO1 Hildo Patrimonio, at isang Bernie Ann Fernandez.

Nabatid sa imbestigasyon, bago namatay, ipinagtapat ni Milo sa kanyang employer ang kaugnay sa sinasabing relasyon ng kanyang misis sa nabanggit na pulis, at siya ay nakatatanggap ng death threats.

Sa simula, inakalang ang insidente ay kaugnay sa trabaho ng biktima bilang journalist.

Si Milo ay kabilang sa tatlong journalist na namatay sa nakaraang dalawang linggo sa Mindanao.                    (HNT)

NAALARMA SA MEDIA KILLINGS DOJ PINAKILOS NG PALASYO

NAALARMA ang Malacañang sa tatlong magkakasunod na pagpaslang sa mga mamamahayag nitong nakalipas na dalawang linggo kaya kinalampag si Justice Secretary Leila de Lima na tutukan ang task force na nag-iimbestiga sa media killings.

“We are very, very concerned with these media killings and we have put emphasis that Secretary Justice Leila de Lima—Justice Secretary Leila de Lima has time and again mentioned and emphasized the work of the task force handling the investigation of the media killings,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Aniya, responsibilidad ng pamahalaan ang pagsisiyasat sa lahat ng insidente ng pagpatay maging ang biktima ay taga-media o ordinaryong tao, pero ang pagbubuo ng task force na nag-iimbestiga sa media killings ay patunay na desidido ang administrasyong Aquino na bigyan ng hustisya ang pagpaslang sa mga mamamahayag.

Hindi naman masabi ni Lacierda kung paano maiiwasan o mapapatigil ang media killings.

“There’s an investigation proper going on. I understand the frustration kung bakit walang resulta but, I can assure you that the government is working and investigating these matters. These are important matters. We are very cognizant of the role of media in a democracy so hindi natin pwede dapat patayin ang kanilang papel,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Jaye Lacson-Noel

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na …

Sara Duterte Zuleika Lopez Atty Lorna Kapunan

Disbarment laban kina VP Sara, Zuleika nararapat — Kapunan

IGINIIT ni Atty. Lorna Kapunan na bukod kay Vice President Sara Duterte ay dapat din …

050625 Hataw Frontpage

FPJ Panday Bayanihan, pasok sa top 2 ng Luzon

HATAW News Team SA PINAKABAGONG WR Numero survey ngayong Abril 2025, pumangalawa ang FPJ Panday …

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *