Thursday , June 4 2026

Evacuation, deployment ikinasa sa Yemen

ITINAAS ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Level 3 ang crisis alert sa bansang Yemen, sa gitna nang patuloy na pag-igting ng tensyon sa nasabing rehiyon.

Sinabi ni DFA spokesperson Raul Hernandez, sa ilalim ng alerto, ipinaiiral na ng gobyerno ang “total deployment ban” ng overseas Filipino workers sa nasabing bansa.

Binanggit din ng opisyal, nakahanda ang pamahalaan na magsagawa ng repatriations o paglilikas sa mga Filipino na nais umuwi ng bansa.

Tinatayang may 1,500 overseas Filipino workers ang naka-base sa Yemen.

Una rito, mariing kinondena ng pamahalaan ng Filipinas ang nangyaring suicide bombing attack sa Yemen na ikinamatay ng pitong Filipino at ikinasugat ng 11 iba pa.            (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …