Sunday , December 22 2024

TV5 kontento sa bagong iskedyul ng PBA

MULING iginiit ng pangulo at CEO ng TV5 na si Noel Lorenzana na hindi babaguhin ang iskedyul ng mga laro ng PBA sa TV5 at Aksyon TV kahit ayaw ng maraming mga tagahanga ng PBA ang ganitong set-up.

Sinabi ni Lorenzana na mas malinaw ang signal ng TV5 kumpara sa IBC 13 na dating istasyon ng liga na blocktimer noon ang Sports5 kaya nagbago ang set-up ng coverage ng PBA.

“The PBA and TV5 have mutually agreed on the schedule. They’ve acknowledged the fact that the games are shown live over a channel that has a wider reach,” wika ni Lorenzana.

Mula noong nagsimula ang PBA noong Nobyembre ay sa Aksyon TV napapanood ang unang laro at sa TV5 ang ikalawang laro tuwing Miyerkules at Biyernes samantalang sa Sabado naman ay sa TV5 napapanood ang unang laro at sa Aksyon TV naman ang ikalawang laro.

Tanging tuwing Linggo ay parehong live sa TV5 at Aksyon TV ang dalawang laro kaya pati mga team owners tulad nina Wilfred Steven Uytengsu ng Alaska at Mikee Romero ng Globalport ay nag-aalala sa sitwasyon.

“We need to balance the programming, which we have right now. So let’s leave it at that,” ani Lorenzana.

Sang-ayon ang tserman ng PBA board na si Ramon Segismundo ng Meralco sa mga pahayag ni Lorenzana.

“I got some ratings figures from (pinuno ng Sports5 na si) Chot (Reyes) mentioning that the ratings figures for the PBA have increased over TV5 despite the change in schedule,” ani Segismundo.

Marami ang tutol sa set-up ng TV5 sa pag-ere ng PBA dahil naguguluhan sila sa istasyong ipinapalabas ang mga laro ngunit nais ng TV5 ang mga teleserye upang tapatan ang mga ganitong klaseng programa ng ABS-CBN at GMA 7.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *