Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iranian nat’l nasalisihan ng 2 chinese sa eroplano

NADALE ng ‘salisi ang isang Iranian national habang lulan ng eroplano patungo sa Manila mula sa Shanghai kamakalawa ng hapon.

Narekober ng Immigration officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ang nawalang wallet ng Iranian na naglalaman ng 11, 000 RMB (Yuan) o katumbas ng  mahigit P60, 000 mula sa dalawang Chinese national sa kanilang pagdating sa airport.

Inihayag ni Immigration officer Ma. Luisa Canlas kay Immigration supervisor Maida Rebong, isang paherong Iranian na kinilalang si Hamed Bolarjon, may misis na Filipina, at chef sa five star hotel sa Makati, ang nagreklamo na siya ay ninakawan habang lulan ng Philippine Airlines PR 339 mula sa Shanghai patungo sa Manila.

Inihayag naman ng tatlong Nigerian na pinigil ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng Bureau of Immigration sa pagpasok sa bansa dahil sa kawalan ng dokumento, na nakita nila ang dalawang Chinese habang nagbibilang ng pera.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang Immigration officer sa pulisya para sa imbestigasyon.

Hinarang nina SPO3 Roberto Figueras, SPO2 Percy Evangelista at PO3 Regidor Fajardo ang dalawang Chinese at nakompiska mula sa kanila ang 11 thousand RMB gayundin ang wallet.

Ngunit hindi inaresto ng mga pulis ang dalawang Chinese dahil ang mga dayuhan ay transit passengers lamang na may connecting flight patungo sa Indonesia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …