Monday , November 25 2024

900 sanggol isinisilang sa typhoon hit areas (Sa bawat araw)

NAHAHARAP Sa “heightened risks” ang 235,000 buntis sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Sa ulat ng UN Population Fund (UNFPA), sinasabing nasa 900 deliveries o kaso ng panganganak araw-araw ang naitatala sa nasabing mga area, sa kabila ng kakulangan ng medical supplies at facilities.

Samantala, muli rin nanawagan ang World Health Organization (WHO) para sa karagdagang mga medical staff para tulungan ang mga biktima ng bagyo at sa posibleng paglaganap ng sakit sa evacuation centers.

“Vaccines to prevent these diseases are highly needed,” ani Dr. Julie Hall, ang WHO country representative.

Sa ngayon ay mayroon lamang 32 medical teams ang naka-deploy sa mga apektadong areas na tinutulungan ng 30 staff.

Kabilang aniya sa medical teams ay galing ng Hungary, Italy, France, Korea, US, Canada, Germany at Poland.

YOLANDA DEATH TOLL 3,982 PINSALA PUMALO SA P11-B

BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng super typhoon Yolanda.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 3,982 ang bilang ng mga namatay, karamihan ay sa Leyte.

Ang bilang naman ng mga sugatan ay pumalo sa 18,266 habang 1,602 ang hindi pa rin natatagpuan.

Sinabi ng NDRRMC, mahigit 10 milyon katao ang apektado ng bagyong Yolanda at apat na milyon ang kasalukuyang nasa evacuation centers.

Umabot sa mahigit P11 bilyon ang halaga ng pinsala, sa agrikultura pa lamang ay pumalo na sa P9 bilyon.

INTERPOL TUTULONG  SA IDENTIFICATION NG YOLANDA VICTIMS

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima kahapon, inaasahan ang pagdating ng team ng forensic experts mula sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) upang tumulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga namatay sa super typhoon Yolanda.

Sinabi ni De Lima, ang disaster victim identification (DVI) team ay kinabibilangan ng mga eksperto mula sa Canada, United Kingdom, Cameron, Jordan, Bosnia, at South Africa.

“As soon as they arrive, they will be meeting, in a joint meeting, with the National Bureau of Investigation,” aniya.

Ang NBI, na nasa Ilalim ng Department of Justice, nagpadala na ng sariling DVI team para tumulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga biktima.

Tinukoy ni De Lima na tumulong din ang Interpol sa pagkilala sa mga namatay sa “Princess of the Star” tragedy sa Romblon noong Hunyo 2008.

(LEONARD BASILIO)

Nagpabaya sa disaster response
GOV’T OFFICIALS KAKASUHAN — PALASYO

MAAARING sampahan ng kasong administratibo ang mga opisyal na mapatutunayang nagpabaya sa paghahanda at mabagal na pagresonde sa epekto ng super typhoon Yolanda.

“Meron talagang umiiral na batas at meron din umiiral na proseso na maaaring gamitin kapag dumating na ang panahon ng pagtutuos,” pahayag ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma.

Tumanggi si Pangulong Benigno Aquino III nitong Lunes na magkomento kaugnay sa naging pagkukulang ng local authorities, sinabing “it is a matter that is subject of investigation.”

Nang itanong kung kabilang si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa mga iimbestigahan bilang bahagi ng NDRRMC structure, sinabi ni Coloma na walang opisyal na magiging exempted sa “scrutiny and accountability.”

“Lahat po. Wala naman pong exempt na government employee. Bawat kilos po namin ay subject to scrutiny at subject to accountability measures.”

(ROSE NOVENARIO)

‘HOT RICE’ IBIBIGAY  SA YOLANDA VICTIMS

SINANG-AYUNAN ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang kahilingan na ibigay na lang sa mga biktima ng super typhoon Yolanda ang mga nakompiskang smuggled rice sa Cebu. Ani Biazon, ipinoproseso na lamang ang papeles ng nasabing confiscated na bigas at oras na maayos ito, hahati-hatiin ito para sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda.

“Donating smuggled  is an option. Kailangan na lang ng process na papers, then we will distribute na sa areas affected by typhoon Yolanda,” ani Biazon sa isang ambush interview.       (l. basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *