Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye ng mga Sari-Sari Stories, sa pinakabago nitong video na nagtatampok ng espesyal na cameo mula kay Jhoanna ng BINI

Ang The Witness ay isang maigsing pelikula ng kuwentong pag-ibig, coming of age, at ang pagyabong ng pagmamahal sa pagdaan ng mga taon, na hinubog ng pagmamahal at pananatili-na natunghayan ng tahimik na presensIya ng may-ari ng sari-sari store.

Dagdag sa ganda at koneksiyon sa naratibo ang cameo ni Jhoanna, at binibigyang-diin nito ang mensahe ng pelikula: pasasalamat sa mga may-ari ng maliliit na negosyo sa bansa. Sinang-ayunan ni Jhoanna ang gampanin ng mga sari-sari store sa araw-araw nating pamumuhay, 

Importante na hindi mawala ang sari-sari store. Bukod sa pagiging very Pinoy, ito pa rin ang pinaka-accessible sa maraming komunidad. Iba pa rin ‘yung may mapupuntahan kang malapit sa ‘yo,” ani Bini Jhoanna.

Sinusundan ng pinakabagong Sari-Sari Story ang umuusbong na pag-iibigan ng dalawang magkababata, at ang pagyabang ng munting pagmamahal sa pagdaan ng mga taon tungo sa isang tunay at tumatagal na relasyon. 

Ipinakikita ng video ang ligaya at lungkot ng kanilang samahan, mula sa perspektiba ng may-ari ng sari-sari store na nakita ang lahat.

Kahawig ng pananaw ni Jhoanna ang damdamin ni Puregold senior marketing manager Ivy Hayaga-Piedad, “Lagi-lagi, kakampi ang Puregold ang mga maliliit na negosyante sa bansa. Sa pamamagitan ng Sari-Sari Stories, patuloy na naiaangat ang gampanin ng mga may-ari ng sari-sari store sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Dahil sa akses sa mga pangangailangan, pinagtatagpo din ng mga tindahang ito ang mga tao sa komunidad.”

Ipinagpapatuloy ng The Witness ang mahuhusay na kuwento mula sa Sari-Sari Stories, gaya ng Waysna itinampok si Stell ng SB19, at The Sign, na isinama naman si Skusta Clee. 

Sa kabuuan, nagsimula ng mga usapan ang mga serye, at nakaramdam ng koneksiyon sa mga kuwento ang mga netizen, Aling Puring members, at tagasunod ng Puregold-

-patunay lamang ng mahalagang parte ng mga sari-sari store sa araw-araw na buhay ng mga Filipino.

Habang nagpapatuloy ang serye, lalo pang nahihikayat ang mga manonood na abangan ang susunod na kwento, isang repleksiyon ng integrasyon ng mga sari-sari store sa buhay ng mga tao at sa mga pinagsisilbihan nitong komunidad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …

Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng …

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …