Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng inyong staff gayon din kay Sis Soly Guy Lee na napakikinggan ko rin sa inyong livestreaming na Kalusugan Mula sa Kalikasan (Back To Basic, Back To Nature) sa DWXI 1314 AM.
Ako po si Milagros Roxas, 63 years old, retiradong nurse, naninirahan sa Dasmariñas, Cavite.
Gaya po ng napakinggan ko sa inyo at lagi kong isinasabuhay kailangan balance ang init at lamig sa loob ng katawan sa pamamagitan nang wastong pagkain sa araw-araw.
Bukod po sa wastong pagkain, napatunayan ko rin na malaking tulong sa pagbabalanse ng init at lamig sa loob ng katawan ang regular na paghahaplos ng Krystall Herbal Oil at pag-inom ng Krystall Nature Herbs.
Ako po’y regular na naghahaplos ng K Herbal Oil tuwing bago matulog lalo na sa aking likod dahil ako’y inuubo tuwing madaling araw.
Regular din po akong umiinom ng K Nature Herbs. ‘Yung isang sachet po ay hinahati ko sa dalawa at iniinom ko after kong mag-lunch. Mga two hours po after lunch. Malaking tulong para maging regular ang aking bowel movement.
Bukod po sa dalawang ‘yan, ako po’y natutong gumawa ng camote, carrots, patatas (CCP) at aking kinokonsumo isang beses isang buwan bilang panlinis sa aking colon.
Kaya hindi po ako nagtataka na sa edad kong 63, marami ang nagsasabing mukha lang daw akong late 40s. ‘Yan po ay dahil sa pakikinig ko sa inyong mga payo at paggamit ng FGO Krystall products na ilang beses kong napatunayan na nakatutulong sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan.
Kaya ako po’y labis na nagpapasalamat sa inyo Sis Fely dahil sa mahuhusay ninyong imbensiyon. Hangad ko po ang patuloy na pagpapala sa inyo ni Yahweh El Shaddai, siksik, liglig at umaapaw.
Lubos na sumasainyo,
MILAGROS ROXAS
Dasmariñas, Cavite
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com