I-FLEX
ni Jun Nardo
SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni DTI Secretary Cristina Roque.
Kulang na lang eh hagupitin ng latigo ang DTI secretary na umayaw sa suhestiyon niyang budget.
Siyempre, sumakay din ang ibang celeb gaya ng cast sa isang festival movie. As if naman, makatutulong ang pahayag ng mga artistang ito para kumita ang movie nila, huh!
Sa gulong nilikha ng P500 Noche Buena, nagustuhan namin ang post sa Facebook ni Chef JR Royol na may show tuwing Sunday sa GMA. Kung tutuusin, puwede ang P500 sa Noche Buena, technically daw. Hindi naman daw tungkol sa overflowing feast ang dapat pagsaluhan kundi ang pagsaluhan ito ng taong mahal mo sa buhay.
Pero hindi raw ‘yun ang punto dahil may pamilyang gusto ring gumastos ng malaki kapag Pasko para sa kagustuhang mapasaya ang mga bata sa araw na ito sa isang araw.
Sa sinasabi raw na sapat ang P500, hindi raw nagbibigay ng payo sa budgeting at detached sa realidad ng bawat Pinoy.
Worth reading ang pahayag ni Chef JR sa isyung ito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com