Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang handog ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang ni Love Kryzl.

Ang kantang ito ay inihandog para sa malapit nang ikasal na sina Kiray Celis at Stephan Estopia.

Ibinabahagi ng awitin ang isang tunay na kwento ng pag-ibig, kasiyahan, at ang mga karaniwang pagsubok na pinagdaraanan ng magkasintahan bago ikasal—na nagpapaalala na ang pag-ibig ay laging nagwawagi kapag pinipili ang isa’t isa.

Ang pamagat na Kayong Dalawa Lang ay simple ngunit may malalim na kahulugan: kapag paulit-ulit mong pinipili ang iyong kapareha, hindi imposible ang “forever.” Ang anumang relasyon ay malalampasan ang lahat basta’t pinipili ninyong manatili sa isa’t isa.

Ibinahagi rin ni Love Kryzl na hinahangaan niya sina Kiray at Tepan bilang magkasintahan. Malaki ang naging inspirasyon sa kanya ng paraan ng kanilang pag-aalaga at pagmamahalan.

Ang kanta at music video ay prodyus ng Purple Hearts Production, isang in-house company ng Kryzl Group of Companies.

Inanunsiyo rin na si Love Kryzl ay maglulunsad pa ng isa pang single ngayong taon at inaasahang magkakaroon ng concert ang batang CEO sa susunod na taon.

Ang music video ay mapapanood na sa Love Kryzl Facebook Page at sa Love Kryzl’s World YouTube Channel.

Bilang paghahanda sa kanilang kasal, ibinahagi ng child actress at CEO na si Kiray na bumili siya ng Purple Hearts Products—ang brand na pagmamay-ari nina Love Kryzl at ng kanyang mga kapatid—para isama sa kanilang wedding giveaways.

Nang tanungin kung ano ang magiging regalo niya kina Ate Kiray at Kuya Stephan para sa kanilang espesyal na araw, anang batang CEO, ireregalo niya ang hotel reception venue at ang event styling ni Gideon Hermosa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …