ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG talented na singer na si Jam Leviste ay mayroong bagong single. Ito bale ang second niya at pinamagatan itong “Nawawala Ako Sa Sarili”. Siya ay isa sa talents ni Audie See.
Katatapos lang ng matagumpay na “OPM: Then & Now” concert sa Music Museum na naging bahagi si Jam at magandang follow-up ang kanyang new single sa umuusbong na singing career ng dalagita
Kuwento ni Jam, “Mapapakinggan na po ang second single ko ung “NASSA” (Nawawala Ako Sa Sarili) danceable po ito, composed by Mr. Vehnee Saturno at malapit na rin po mapanood ang music video ko directed by Mr. Kenneth Anderson.
“This song is regarding sa isang tao na in-love na kapag nakita niya iyong taong iyon ay nawawala siya sa focus. Masaya ang song na ito dahil may kilig sa tuwing nakakaharap niya yung taong love niya.”
Nalaman namin na idol ni Jam sina Sarah Geronimo, KZ Tandingan, at Janine Berdin at wish niyang maka-jamming sila balang araw.
Esplika niya, “Bata pa lang po ako ay hilig ko na ang kumanta. Around six years old po ako noon, noong nine na po ako ay doon na ako kumakanta-kanta talaga. Bandang 11 or 12 ako nagsimulang lumaban sa schools.”
Supportive ang parents niya sa kanyang singing career, kaya very thankful naman si Jam. Promise naman niya sa kanyang mga magulang na hindi niya pababayaan ang kanyang studies. Dream ni Jam na maging isang pilot, someday.
Si Jam ay 14 years old, grade 8 student sa Stella Maris Academy of Malolos, at ang kanyang unang single ay ‘Awit Ng Puso’ ni Vehnee Saturno. Ang second single niya ay mapapakinggan sa Spotify at radio promo, mapapanood din ito sa Youtube.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com