Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Velza Tonino Lamborghini

Sa ilalim ng bagong partnership sa Velza Global
Tonino Lamborghini Energy Drink bibighani sa panlasa ng mga Pinoy

ANG kilalang Lamborghini’s iconic  Italian Lifestyle brand ay nais makuhang pumasa sa panlasa ng mga Filipino matapos makipagtulungan sa  FMCG at lifestyle player Velza Global Co., upang ilunsad nang eklusibo sa Filipinas ang  Tonino Lamborghini Energy Drink.

Pormal na inihayag ng dalawang kompanya ang kanilang estratehikong pakikipagsosyo, na nagpapahiwatig ng unang tiyak na pagpasok ng inuming ito sa merkado ng Filipinas.

 “We are pleased to welcome our new partner in the Philippines. Together, we will bring the energy, determination and the uncompromised spirit of my brand to a dynamic and fast-growing market. This marks the beginning of a shared journey driven by ambition and excellence,” ani Tonino Lamborghini.

Sinabi ni Velza Global CEO  Ajit Narapareddy, ang pakikipagsosyo ay pagsasama ng “Italian performance at Filipino ambition,” na binanggit ang posisyon ng energy drink ay umaayon sa mabilis na lumalaking pagkahumaling ng mga mamimiling Filipino sa mga premium lifestyle products.

“We are proud to bring the energy and passion of the Lamborghini brand to the Philippines. We are not just launching a luxury beverage; we are delivering the fuel for a high-octane lifestyle to the Philippine market,” dagdag ni Narapareddy.

Idinisenyo sa Italya at ginawa gamit ang eksklusibong resipe para sa mga Filipino, ang Tonino Lamborghini Energy Drink ay naglalayong maakit ang mga mamimiling “hindi handang magkompromiso.” Ipinapakita nito ang mga kilalang katangian ng brand—estilo, sigla, tapang, at isang kakaibang ugaling Italiano.

Ang produkto ay makukuha sa dalawang uri: Original at Zero Sugar. Bawat lata ay may makinis at premium na disenyo na may kilalang sagisag na Raging Bull, na nagpapahiwatig ng pangako ng brand na gawang Italiano.

Inaasahan ng mga Filipino na makikita ang inumin sa mga tindahan simula Pebrero 2026, na may pamamahaging nakatutok sa matataas na antas ng network ng Velza Global, kabilang ang mga mamahaling hotel, eksklusibong klase ng mga miyembro, at piling matataas na antas na tindahan sa buong Metro Manila at mga pangunahing lungsod sa buong bansa.

Ang Velza Global Co., ay isang umuunlad na kompanyang FMCG at lifestyle na nag-aalok ng mahahalaga at hinahangad na produkto sa mga larangan ng inumin, handa nang kainin na pagkain, at pamamahagi ng mamahaling damit. Layunin ng kompanya na maging isa sa pinakamasigla at iginagalang na consumer brand sa Timog-Silangang Asya.

 Mula noong 1981, ang Tonino Lamborghini ay nagtayo ng pandaigdigang reputasyon para sa disenyong Italiano na maganda at mahusay na nagpapalawak ng kanyang brand sa fashion, hospitality, real estate, de-koryenteng sasakyan, at mga mamahaling inumin—kabilang na ngayon ang inaasahang pagpasok ng kanyang energy drink sa Filipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …