Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kathryn may pa-soft launch kay Mayor Mark Alcala 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI nakaligtas sa mapagmatyag na mga mata ng netizens ang pag-apir ni Lucena City Mayor Mark Alcala sa ginawang video ni Kathryn Bernardo kay Mommy Min nang magtungo sila sa isang beauty clinic.

Napag-usapan sa latest episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz kasama si Mama Loi ang ‘pagkahuli’ o sinasabing soft launch kay Mayor Mark. 

Una’y ipinakita muna ni Ogie ang pag-greet ni Kathryn sa kanyang video at saka  si Mommy Min na nagpapa-treat sa nasabing clinic.

Pagkaraan ay tinanong ni Mama Loi kung anong mayroon sa naturang video na sinagot ni Ogie ng, “mukhang tanggap na ni Mommy Min si Mayor Alcala ng Lucena.”

Na agad namang tinanong ni Mama Loi ng, “Bakit?”

At muling ipinakita ni Ogie ang video na aniya’y nadampot din lang naman nila sa Reddit ang video.  Sa video sinabi ni Kathryn na hindi siya nag-iisa at ipinakikita ang ginagawang pagpapa-facial ng ina nang hindi sinasadyang may nahagip ang camera na pa-slow-motion pa ang pagpapakita. 

Doo’y lumabas ang isang lalaki na bagamat medyo malabo, natanong ni Mama Loi na kung si Mayor Alcala nga iyon.

Eh sabi ng mga comment si Mayor Alcala ra iyon kasama that time,” sagot ni Ogie na sinundan pa ng, “parang soft launch na ito ano ng pag-amin nila.

“Sinasabi ng karamihan sa comment section, na kasama si Mayor Alcala ni Kathryn sa clinic. Parang soft launch na ito ng pag-amin nila,” ani Ogie.

Na sinagot naman ni Mama Loi na kung iyon na nga ba ang isa sa pinakamalapit na magkasama sina Mark at Kathryn sa iisang frame.

Ilang buwan na ring iniintriga na nagkakamabutihan na ang dalawa at marami na rin ang nagsasabi na tila magdyowa na sina Kathryn at Mayor Mark. Pero hanggang ngayon wala pa ring pag-amin mula sa dalawa. 

 Noong July 2025 ay sinasabing may mga nakakita ring magkasama ang dalawa nang magpunta ng Australia. Bagamat hindi sabay sa flight, parehas namataan sa airport sina Kathryn at Mark.

At isang buwan bago ito, may mga chika rin na umano’y pinasara ang isang restoran para makapag-date ang dalawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marde Infante

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …