SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din ang huli.
Nangingiting inamin ni Bea sa paglulunsad sa kanila ni Andrea Brillantes bilang pinakabagong brand ambassadors ng Nustar Online, ang kauna-unahang luxury online entertainment platform sa bansa na isinagawa sa Medusa, The Palace na talagang nasorpresa siya sa ginawang pagbati ng tinatawag niyang ate noong kanyang kaarawan kamakailan.
“Matagal ko nang hindi nakita at nakausap si ate (Kris),” anang aktres nang palibutan siya ng entertainment press. “Noong nakita ko ‘yung comment (ni Kris), I was just as surprised as you were.”
“Happy Birthday! My nephew is a close friend of the one you’re getting to know — your greetings reached me — thank you Bey… You are as beautiful as ever. Hoping to see you in 3 & a half months,”mensahe ni Kris sa birthday post ni Bea last month sa kanyang IG.
Kaya naman marami ang napa-isip sa mensaheng ito ni Kris na karamihan ay naghinuha na ikakasal na si Bea at isa siya sa magiging ninang.
At sinagot din ito ni Bea nang matanong kung ninang si Kris.
“Ninang saan?” ani Bea.
Anyway, masaya si Bea na magkikita silang muli ni Kris.
Sa ngayon naka-focus ang aktres sa kanyang business at personal life.
Hindi naman namin nakausap na si Andrea dahil nang dumating kami ay nakaalis na ito.
Sina Bea at Andrea ang endorsers ng Nustar Online na ayon nga sa NUSTAR Online Director of Public Relations nitong si Krizia Cortez, “This is only the beginning. The platform we officially unveil tonight is just the first chapter of a grander story built on exclusive rewards, transformative collaborations, and innovation that will continue to shape the future of how Filipinos connect, play, and live.”
Na-experience ng mga guests na naroon at viewers online ang paglulunsad sa pamamagitan ng NUSTAR Online: Exclusives, isang bagong lifestyle at entertainment magazine show na napanood sa official NUSTAR Online Facebook page, na ang host ay sina Anne Demesa at Jercy Raine Cruz.
Sa NUSTAR Online ginagawa nitong world-class ang paglilibang sa isang modernong online na ecosystem; premium, walang tahi, at binuo na may pandaigdigang pag-iisip. Ang pundasyon nito, ay nananatiling mapagmataas na Filipino. Ang platform ay pinalakas ng lokal na pagkamalikhain at ambisyon, sa bawat pakikipagtulungan na idinisenyo para ipakita ang kahusayan ng Filipino sa isang mas malawak na internasyonal na yugto.
Ani Bea ukol sa impresyon niya sa NUSTAR Online, “I already felt that they know what they’re doing, they know what the market needs. What they’re offering is elevated, it feels premium but also relatable. So I think that’s great. It’s done with taste, class, care, and thought.”
Nire-represent naman ni Andrea ang modern, confident, digital forwrd generation. Kaya aniya, “I like that it’s very modern. It’s very classy. It’s very mindful at the same time. It really encourages us to have fun but still remember to be responsible at the same time.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com