Iprinesenta ni Pangulong Abraham “Bambol” Tolentino ng Philippine Olympic Committee ang dalawampu’t apat (24) na medalistang atleta ng katatapos lamang na Asian Youth Games sa Bahrain, sa isang press conference na ginanap sa East Ocean Restaurant sa Pasay City nitong Lunes, Nobyembre 3, 2025.
Nakamit ng delegasyon ng Pilipinas ang pitong (7) gintong medalya, pitong (7) pilak, at sampung (10) tansong medalya, upang makamit ang ika-12 puwesto sa paligsahang nilahukan ng 45 bansa.
Ang mga atletang medalists sa katatapos na 3rd Asian Youth Games 2025.
GOLD: Kram Airam Carpio – Pencak Silat (Girl’s 51-55kg), Charlie Ratcliff – MMA (Girl’s 45kg Modern), Pi Wurden Wangkay – Athletics (Boy’s 200m), Lyre Anie Ngina – Muay (Girl’s Wai Kru 14-15), Zeth Gabriel Bueno – Muay (Boy’s Wai Kru 14-15), Jan Brix Ramiscal & Tyron Jamborillo – Muay (Mixed Team Mai Muay), Isabella Butter – Jiu-Jitsu (Girl’s 63kg).
SILVER: Travis Ratcliff – MMA (Boy’s 60kg Traditional), Naomi Cesar – Athletics (Girl’s 800m), Jasmine Dagame – Muay (Girl’s Wai Kru 16-17), Jan Brix Ramiscal – Muay (Boy’s Wai Kru 16-17), Kristen Aguila – Taekwondo (Girl’s Individual Recognized Poomsae), Jamesray Ajido – Aquatics (Boy’s 100m Butterfly), Jhodie Peralta – Weightlifting (Girl’s 53kg Snatch).
BRONZE: Crystal Cariño & Nicole Tabucol – Teqball (Girl’s Doubles), Alexander Tagure Jr – MMA (Boy’s 50kg Modern), Iyeshia Blair Bituin – Muay (Girl’s 51kg Combat 16-17), Aeden Roffer Cereño – Taekwondo (Boy’s Individual Freestyle Poomsae), Jhodie Peralta – Weightlifting (Girl’s 53kg Clean and Jerk), Princess Jay Ann Diaz – Weightlifting (Girl’s 44kg Clean and Jerk), Alexsandra Ann Diaz – Weightlifting (Girl’s 48kg Clean and Jerk), Jay-r Colonia – Weightlifting (Boy’s 56kg Clean and Jerk), Leo Mhar Lobrido – Boxing (Boy’s 46kg), Maria Alexandria Sarinas – Jiu-Jitsu (Girl’s 57kg).
Malalaking insentibo ang ipagkakaloob sa lahat ng mga atleta na nagwagi ng medalya sa 3rd Asian Youth Games 2025.
Ipinahayag ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) na ang mga sumusunod na gantimpala ay ibibigay:
Gold Medalists –₱500,000 bawat isa, Silver Medalists – ₱300,000 bawat isa, Bronze Medalists – ₱100,000 bawat isa.
Bukod sa mga cash incentives, magbibigay rin ang mga partner ng POC ng iPhone 17 Pro Max sa lahat ng gold medalists, habang iPhone 17 naman ang ipamimigay sa mga silver at bronze medalists.
Layunin ng pagkakaloob ng mga gantimpala na kilalanin at parangalan ang pambihirang tagumpay, dedikasyon, at sakripisyo ng mga kabataang atletang Pilipino na buong pusong nagbigay karangalan sa bansa sa pandaigdigang entablado.
Dumalo rin sa naturang pagtitipon sina tagapangulo ng Philippine Sports Commission (PSC), at mga komisyoner na sina Edward Hayco, Matthew “Fritz” Gaston, at Walter Torres, at mga coach ng mga atleta. (HNT)
Photo caption:
SINA PSC Chairman Patrick John Gregorio at President Abraham “Bambol” Tolentino ng Philippine Olympic Committee at mga atletang nagkamit ng medalya sa katatapos na Asian Youth Games 2025. (HENRY TALAN VARGAS)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com