Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BBM Pato Gregorio PSC
SINA Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., (kanan) at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio na itinalaga ng Pangulo bilang chairman ng NST-IAC. (PSC Photo)

Mula sa grassroots hanggang global:
PSC, pangungunahan Bagong Sports Tourism Super Team ni PBBM

PINASALAMATAN ng Philippine Sports Commission (PSC) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang pag-aproba sa pagbuo ng National Sports Tourism Inter-Agency Committee (NST-IAC) sa pamamagitan ng Administrative Order No. 38.

Inatasan ng Pangulo ang NST-IAC na “pag-isahin, iugnay, at pangasiwaan ang lahat ng inisyatiba ng pamahalaan upang paunlarin, isulong, at mapanatili ang sports tourism sa bansa.”

Nakasaad sa kautusan na ang NST-IAC ay binuo upang mangasiwa sa “pagpapaunlad, pagsulong, at pagpapatupad ng mga inisyatiba sa sports tourism.”

Sa ilalim ng Administrative Order No. 38, na nilagdaan ng Pangulo noong 29 Oktubre 2025, itinalaga si PSC Chairman Patrick Gregorio bilang chairman ng NST-IAC, kasama ang Department of Tourism (DoT) bilang vice-chairperson. Kasapi rin ng komite ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ayon kay Gregorio, ang pagkakatatag ng NST-IAC ay “isang mahalagang pagkilala sa kakayahan ng sports na pagyamanin ang kabataan, pasiglahin ang pag-unlad ng mga rehiyon, palawakin ang turismo, at lumikha ng mga bagong industriya.”

Binigyang-diin ni Gregorio, “Nauunawaan namin ang aming tungkulin. Kami ay mga tagapagpaunlad. Maging sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd) para sa grassroots development o sa Department of Tourism (DoT) para sa sports tourism, ang sports ay magiging pangunahing tagapagsulong at tagapagpatupad ng pambansang agenda.”

Dagdag ni Gregorio, kinikilala ng Pangulo —masugid na manlalaro at pinakamalaking tagasuporta ng mga atletang Filipino — na ang pagho-host ng malalaking pandaigdigang kompetisyong pampalakasan ay isang mabisang paraan upang maipakilala at maitaguyod ang Filipinas sa harap ng pandaigdigang komunidad.

“Ang pinakamalalaking kaganapan sa turismo sa buong mundo ay mga kaganapang pampalakasan. Ang sports ay isang multi-bilyong industriya, at may kakayahan ang Filipinas na iposisyon ang sarili bilang pangunahing sports hub sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya,” pahayag ni Gregorio, na binigyang-diin din ang buong suporta at pakikipagtulungan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

“Ito ay higit na maisasakatuparan sa pamamagitan ng matibay na ugnayan at pakikipagtulungan sa DoT at mga lokal na pamahalaan (LGUs) na magsisilbing host ng mga nasabing kaganapan,” dagdag niya.

Ang pagbuo ng NST-IAC ay kasunod ng matagumpay na pagho-host ng bansa sa FIBA Men’s Basketball World Championship noong 2023 at kamakailan lamang sa FIVB Women’s World Volleyball Championship. Sa buwang ito, ang Filipinas ay magho-host din ng FIFA Futsal Women’s World Cup at Junior World Artistic Gymnastics Championships.

Layunin ng NST-IAC na “palakasin ang posisyon ng Filipinas bilang isang pangunahing destinasyon ng internasyonal na sports, gayondin upang makalikha ng trabaho, makaakit ng pamumuhunan, pasiglahin ang mga lokal na ekonomiya, at makatulong sa pagpapaunlad ng impraestruktura at turismo.”

Ang paglikha ng NST-IAC ay nakahanay sa Philippine Development Plan 2023–2028, na “nagbibigay-diin sa pangangailangang palawakin ang pakikilahok ng bansa sa mga pangunahing pandaigdigang kaganapan at investment missions upang mapalakas ang positibong pananaw ng mundo sa Filipinas.”

Ayon kay Gregorio, itinalaga ni Pangulong Marcos bilang PSC Chairman noong Hulyo, kinikilala ng ahensiya ang sports tourism bilang “isang mahalagang tagapagsulong ng pag-unlad ng ekonomiya, pagpapalitan ng kultura, at pagkilala sa antas internasyonal.”

Kasama rin sa inisyatibong ito ang Private Sector Advisory Council–Tourism Sector Group (PSAC-TSG) na pinamumunuan ni Ginoong Lance Gokongwei.

Sa isang pagpupulong sa Malacañang noong 30 Setyembre, inirekomenda ng PSAC-TSG sa Pangulo ang pagpapatupad ng isang tourism marketing strategy na nakabatay sa sports. (PSC MCO/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …