Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Batang Pinoy Pato Gregorio PSC
IPINAGKALOOB nina PSC Chairman “Pato” Gregorio at Batang Pinoy 2025 Project Director Bong Coo ang Plaque of Appreciation kay Mayor Lorelie Pacquiao bilang pagkilala sa matagumpay na pagho-host ng Lungsod ng General Santos City sa Antonio Acharon Sports Complex. (HENRY TALAN VARGAS)

Batang Pinoy babalik sa Bacolod

MAAYOS at matagumpay na natapos ang 2025 Batang Pinoy sa General Santos City, maraming mga batang atleta ang umukit ng record sa kanikanilang sport.

Posibleng nakatutok na ang ibang batang atleta na 17 anyos pababa sa susunod na edition ng grassroot program na inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman Patrick “Pato” Gregorio.

“Let this shining solidarity of our community set the standard and awaken a movement that forges our next olympic champions,” ani Gregorio.

Nahayag sa closing ceremony na sa Bacolod gaganapin ang 17th Batang Pinoy, hindi naitago ni Mayor Greg Gasataya ang saya nang maghayag ng pasasalamat na muling magbabalik sa kanila ang pagho-host ng nasabing prestihiyong event ng mga batang atleta.

“In 1999 Bacolod City hosted the first Batang Pinoy in 2001, 2013 tayo po ulit ang nag-host. Right now kami po ay nagpapasalamat sa Philippine Sports Commission under the leadership of chairman Pato Gregorio, the entire organizing committee for choosing Bacolod as the host for Batang Pinoy 2026,” video message ni Gasataya.

Umabot sa 19,700 plus athletes ang Batang Pinoy 2025 mula sa 191 local government units (LGUs) na sumabak sa 27 sports events.

Nagpaligsahan ng galing ang mga atleta sa athletics, arnis, aquatics-swimming, archery, badminton, basketball (3×3), boxing, chess, cycling, dance sport, futsal, gymnastics, jiu-jitsu, judo, kickboxing, karate, muay, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, tennis, table tennis, taekwondo, volleyball, wrestling, wushu at weightlifting. (PSC MCO/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …