I-FLEX
ni Jun Nardo
PATULOY lang sina Tito, Vic and Joey sa everyday nilang ginagawa sa Eat Bulaga kahit ngumangawngaw si Anjo Yllana sa social media tungkol sa kanila.
Sa tatlo, kay Senator Tito tila umuusok ang galit ng former Eat Bulaga host. Wala namang reaksiyon siyang nakukuha mula sa Senate President.
Kaya lang, kung susuriin ang comments sa isang Tiktok post ni Anjo, mas maraming kampi sa TVJ kaysa kanya, huh!
Mas maraming followers ang TVJ kaysa kay Anjo kaya sorry na lang siya.
Ano kaya ang kahihinatnan ng pag-iingay na ito ni Anjo?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com