Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Bienvenido Lazaro, 58 years old, isa po akong technician at naninirahan ngayon sa Marilao, Bulacan.
Matagal na po akong suki ng inyong Krystall herbal products, almost 18 years na po mula nang magkakilala kami ni misis.
Si Andrea po, ang misis ko, ang nagpakilala sa akin ng Krystall Herbal Oil. Matagal na po namin itong katuwang sa pangangalaga sa aming kalusugan. Mula ulo hanggang paa, ang Krystall Herbal Oil ay malaking tulong kapag may nararamdaman kaming hindi kainaman.
Gaya po nitong nakaraang Undas, medyo bumiyahe po kami nang malayo. Mula Bulacan hanggang Parañaque para dalawin ang mga mahal sa buhay na pumanaw na. E’ siyempre po, napakaraming tao, mabuti na lamang at maraming puno sa memorial park kaya may nalalanghap kaming oxygen kahit medyo maalinsangan.
Pero hindi rin natagalan ng anak naming dalagita ang alinsangan at medyo nahilo siya bukod sa mayroon siyang buwanang dalaw. Agad inilabas ni misis ang kanyang baon — ang maliit na botelya ng Krystall Herbal Oil. Inumpisahan niyang ihaplos ang Herbal Oil sa likod ng balakang ng aming dalagita, tapos ay sa kanyang puson. After five minutes, sabi ng anak ko, “Ang galing! Nawala ang sakit ng ulo ko, connected pala ‘yun?” Pero hindi roon natapos ang paghaplos ng mommy niya, hanggang sa mga braso at ulo and later sa kanyang mga paa.
Akala ko noong una, after sumama ang pakiramdam ng daughter namin e uuwi na kami, hindi pala. Sabi ng anak naming dalagita, dito muna tayo, hindi pa tayo nakakapag-pray.
At ‘yun nga po, na-enjoy namin buong maghapon ang pagdalaw namin sa mga yumaong mahal sa buhay at parang nag-reunion kaming mgakakapatid at magpipinsan dahil after mahaplosan ng Krystall Herbal Oil ang aming dalagita ay halos walang bakas na makikitang sumama ang kanyang pakiramdam.
Lubos po ang aming pasasalamat dahil sa inyong mahusay na Krystall Herbal Oil at iba pang products ay hindi nasayang ang aming pagdalaw sa mga yumaong mahal sa buhay.
God bless po, Sis Fely.
BIENVENIDO LAZARO
Marilao, Bulacan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com