Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Catherine Cruz Batang Pinoy
NAKOPO ni FJ Catherine Cruz ng City of Mabalacat ang pang-apat na gintong medalya sa girls 16-17 100m backstroke sa swimming competition sa 16th Batang Pinoy – Philippine National Youth Games 2025 sa Antonio Acharon Sports Complex. (PSC MCO Photo)

Pang-4 na ginto, ikinuwintas ni Cruz sa Batang Pinoy 2025

GENERAL SANTOS CITY –Nakamit ni FJ Catherine Cruz ng City of Mabalacat ang pang-apat na gintong medalya sa swimming competition sa 16th Batang Pinoy – Philippine National Youth Games 2025 sa Antonio Acharon Sports Complex, kahapon.

Ipinasang tiyempo ni Cruz ang 1:07.93 minuto sapat upang ikuwintas ang gintong medalya sa girls 16-17 100m backstroke sa event na inorganisa ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni Chairman Patrick “Pato” Gregorio.

Tinalo ni Cruz sina silver medalist Maxine Hayley Uy ng Bacolod City sa inirehistrong tiyempo na 1:08.70 at Kristine Jane Uy ng Manila na humablot ng bronze medal (1:10.10).

Una nang nasilo ni Cruz ang ginto sa 100m Freestyle at 50m backstroke sa Day 1 at 200m backstroke sa Day 2.

Ang ibang tankers na lumangoy ng apat na ginto ay sina Nuche Veronica Ibit ng Aklan; Sophia Rose Garra ng Malabon; at pambato ng City of Manila, Patricia Mae Santor.

Nasungkit ni Garra ang pang-apat na ginto nang magwagi sa girls 12-13 100m backstroke, silver medal si Jordane Porche ng City of Manila habang bronze ang iniuwi ni Arinna Lim ng Iloilo.

Pakitang gilas din ang dalawang taga-City of Butuan na sina Airielle Ashley Lape at Charlagne Jeen Luna nang sungkitin ang tig-isang ginto sa Forms Competition – Traditional sa Arnis/Eskrima event.

Nakopo ni Lape ang gold sa girls 12-13 Traditional Individual Single Weapon habang sa girls 14-15 naman nanalo si Luna.

Sa athletics, nahablot ni Kian Labar ang gold sa U18 Boys 100m ng Iloilo, silver si Bacolod bet Renz James Solomon habang bronze ang nakolekta ni Prince Gemil Cuyos ng City of Quezon. (PSC MCO/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …