I-FLEX
ni Jun Nardo
LAST man standing si Rave sa first task ni Kuya sa Pinoy Big Brother Collab 2.0!
Markado agad ang pangalan ni Rave sa viewers dahil naitawid niya ang task na hawakan ang mahabang candle holder na walang namamatay na kandila.
Pero tagumpay ang task marami man ang kandilang nawalan ng sindi, mayroong natirang isa na dahilan para magawa ang task ni Kuya.
Bahagi ng pahayag ni Rave kay Kuya after ng task, “Pinakamahirap po, Kuya, is ‘yung pagtawid may tumutulong water na fake rain.”
Hindi nga humihinga si Rave upang hindi niya mahingahan ang sindi ng kandila at mamatay ito.
Eh gym buff si Rave kaya kinaya ang pagbuhat ng candle holder at umikot ng sampung beses sa pool area.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com